Serendipity
Female. 18. BSA. Paulinian. ;)

One of those people who really suck at intros.. So yeah, Hi! =)

I’m thinking of having a haircut like this one. Then after haircut i’ll have it rebonded to get rid of my fake curly hair. x)  Butttttt i’m still having second thoughts </3

It’s best to be alone. That’s what i thought.

Sir: *naglelecture about sa 2nd phase ng philippine revolution*

Me: *nag-iimagine tungkol sa future life ko tapos sa soulmate ko* 

-___- wala talaga akong natutunan. Promise, patay na naman ako sa quiz neto. :o

Kinukwento ko palang sa kaibigan ko kung pano kami nagkasalubong ni *tooot* tapos agad-agad siyang susulpot sa harapan namin. Tengene lang oh. -__- :”>

First time kong nalasing. Kadramahan lang to the extreme ang ginawa ko -___- Nakakahiya ever ang malasing. Shet :”> Ako po yung naka-red na umiiyak. Haha!

Pasalamat ako sa camera ng phone ko. Di halata ang mga pimples ko sa pisngi at sa noo. Palagi nang oily yung face ko at mas dumadami na ang mga pimple marks  dahil nga nanggi-gigil akong tirisin ang pimples ko. Kaya nga lubos akong nagpapasamalat sa kasinungalingan ng phone ko :P Ma-i-dp nga ang pic na’to. :))

Mahilig ko talagang i-torture ang self ko. Eto at nagbabasa na naman ako ng mga story na alam ko na sad ang mga endings. Puro kamatayan lang ang nasa huli. Cge iiiyak ko nalang to. </33

Nagkakaroon pa la ng runny nose at slight fever ang paghiga lang sa maghapon? Sa pagkaka-remember ko yun lang ang ginawa ko tapos ngayong eto na pinag-dadaanan ko. Srsly, wut iz da meaning of diz? -__- Monday bukas pero ngayon pa ako nagkasakit kung kelan sunday na at may mga schoolworks pa ako :’(. 

Nawawala ang sign pen ko. Di tuloy ako makapag-answer ng mga problems sa calculus :( di magandang magsulat ng mga numbers pag hindi sign pen ang gamit mo. Saan ko kaya natapon yun *sigh

For now, magbabasa lang muna ako ng manga x))

GOOD MORNING! :)

Lahat ng mga bagay na masaya kong ginagawa noon, nakaka-bore na ngayon. Nakakawalang-gana nang mabuhay. Gusto kong mabago yung future self ko. Gusto kong magising isang araw na masaya dahil ang ganda ng sinag na araw. Masaya na kahit sa mga maliliit na bagay lang.

Hindi yung katulad ngayon. Parang nabubuhay nalang ako kasi yun nga pinanganak ako ni mama at wala akong magagawa kaya hihinga nalang. Nag-aaral ako kasi ano yun ang ginagawa ng karamihan. Nalulungkot ako kasi yun ang pinipiling madama ng puso ko. Pinipilit ko ang sarili ko na maging masaya. Parang yung masayang pakiramdam, minsan ko nalang maramdaman.

Hindi naman sa may mga bagay na nagpapalungkot sa’kin. Nakakawalang-gana lang talaga at sa totoo lang napapagod na akong hindi maging masaya. Kung di mo ko ma-gets. Well gets na gets ko ang sarili ko. Ganito ako at siguro luluwag ang pakiramdam ko pag may isang tao na makakaintindi sa ka weirdohan ko. Dahil alam kong mahirap intindihin ang isang taong katulad ko na kakaiba ang ugali. Basta nonsense ang pinagsasabi-sabi ko dito pero infairness di tumitigil ang darili kong pumindot at mag type kong ano ang nasa isip ko ngayon…

Monday-Wednesday:

7:00-8:30 a.m. ………… Marketing 1

~LUNCH

4:00-5:30 p.m. ……….. Pol. Sci.

In between that time sched. kung tatambay lang ako sa school para maghintay para sa last subject ko then feeling ko parang malalanta na ako sa kahihintay. Basta! Nakakabagot tumambay sa school so i decided na umuwi nalang sa bahay at doon na mag-lunch at babalik na lang sa school para sa last subject ko.

Pero naman ang 1 hour na byahe pabalik-balik ay nakakapang-hina talaga ng katawan =_= Ganun din yung ginagawa ko every T-TH

7:00-8:30 a.m. ………. Law 1

8:30-10:00 a.m. …….. Finance 202

~LUNCH

5:30-7:00 p.m. ………. History 1

Sa Friday lang ako walang problema,

7:30-10:30 yung first subject ko then 10:30-1:30 naman yung last so 1:30 pa lang makaka-uwi nako kaagad. Akala ko nung una keri lang magpabalik-balik mula sa school hanggang sa bahay, bahay naman to school pero hindi pala. Nakakapagod at feeling ko papayat ako neto. -.- Titiisin ko nalang ang routine na’to for five months! So help me God. TT_TT

Kung kelan ka nag-decide na i-refresh uli tsaka naman lalabas yung page na ino-open mo. Anak ng tokwa lang oh. So kelangan pindutin muna ang refresh button para ma-open agad-agad ang page? Srsly, napapakali akong pindutin agad ang stop button or whatever-the-hell-you-call-that-button para ma-stop yung pag-refresh uli ng page.